TULONG PINANSYAL PARA SA NANGANGAILANGAN, PATULOY NA INIHAHATID SA BAYAN NG JONES

Cauayan City – Patuloy ang paghahatid ng tulong pinansyal para sa mga residente ng Jones, Isabela na lubos na nangangailangan ng tulong.

Ang tulong pinansyal ay ipinamamahagi sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations.

Sa ibinahaging talaan ng Municipality of Jones, mula March 17 hanggang March 21 ay nasa 37 indibidwal at pamilya ang naabutan ng tulong pinansyal kung saan 36 dito ay ginamit para sa gastusin sa pagpapagamot, habang isa naman ang para sa burial assistance.


Kabilang sa mga maaaring makatanggap ng tulong ay ang mga indibidwal o pamilya na indigent, kabilang sa informal sector, at ang mga indibidwal na kabilang sa mahirap, marginalized, vulnerable, o disadvantaged sector.

Sa mga nagnanais na makakuha ng tulong pinansyal, kailangan lamnag magsumite ng requirements para sa medical, burial, at transportation assistance sa Municipal Social welfare and Development Office para sa interview at assesment, at kapag nakapasa ay saka naman magtutungo sa Mayor’s Office para sa Final Interview at releasing ng financial assistance.

Facebook Comments