Marawi – Matapos ang halos tatlong buwang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Marawi City dahil sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at ng teroristang ISIS, Tuloy na ang special elections doon.
Sa resolusyon ng Commission on Elections o COMELEC, pinagtibay ng en banc ang resolusyon na nagtatakda ng halalang pambarangay sa Marawi sa darating na September 22.
Sa inilabas na schedule ng Comelec, magsisimula na bukas ( August 23 ) ang paghahain ng Certificates of Candidacy ng mga kandidato.
Magsisimula ang kampanya sa September 12 at tatagal hanggang September 20.
Sa September 21 o sa bisperas ng mismong halalan, bawal na ang pagbebenta ng alak, bawal din ang pagbibigay at pagtanggap ng libreng transportation, pagkain at inumin hanggang sa election day.