TULOY NA TULOY | Dagdag-pasahe sa bus at jeep, tuloy sa Nobyembre

Manila, Philippines – Tuloy na tuloy na sa Nobyembre ang pagpapatupad ng dagdag-pasahe sa mga jeep at bus.

Ito ay makaraang ibasura ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mosyon ni Rodolfo Javellana, President ng United Filipino Consumers and Commuters (UFCC) na ipatigil ang minimum fare increase.

Base sa desisyon ng board, walang nai-prisintang bagong isyu sa mosyon ni Javellana para pabura ang suspensyon sa kautusan.


Samantala, ang pagbasura sa mosyon ng commuters group ay pirmado nina LTFRB Chairman Martin Delgra at borad member Ronaldo Corpus habang tinutulan ito ni board member atty. Aileen Lizada.

Sa kanyang dissenting opinion, sinabi ni Lizada na dapat ay dinggin muna ang petisyon bago ito ibasura.

Hindi rin daw siya sinabihan na hindi tuloy ang hearing na naka-schedule sana ngayong araw dahil may sakit daw si Delgra habang may hindi rin makakadalo si Corpus dahil sa personal matter.

Tinawag namang isang malaking sarswela, palabas at papogi ni Javellana ang ginawang panghihikayat ni Delgra sa mga commuter na ireklamo ang taas-pasahe tapos bigla namang hindi itutuloy ang pagdinig sa kanilang petisyon.

Dahil dito, pinag-aaralan ng grupo ang posibilidad na iapela ito kay transportation Sec. Arthur Tugade.

Facebook Comments