Posibleng magdeklara ng state of calamity ang local na pamahalaan ng Tulunan, Cotabato ang epicenter ng magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.
Ayon kay Tulunan Mayor Ruel Limbungan, aabot sa 200-milyong piso ang kabuuang danyos ng lindol sa lugar kung saan 300 bahay ang nawasak.
Hindi rin nakakapasok ngayon ang mga estudyante matapos na masira ang mga eskwelahan.
Patuloy ding nakakaranas ng mga aftershocks sa nasabing bayan.
Nauna nang nagdeklara ng state of calamity ang makilala, North Cotabato at Magsaysay, Davao del Sur na kabilang sa pinakanapinsala ng lindol.
Facebook Comments