TUMAAS | Bilang ng mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa, lumaki – DOLE

Manila, Philippines – Itinuturing na ang Pilipinas bilang sikat na destinasyon para sa mga dayuhang manggagawa.

Sa datos mula sa Department of Labor and Employment – Bureau of Local Employment (DOLE-BLE), tumaas ang bilang ng foreigners na may Alien Employment Permit (AEP) mula sa halos 23,000 noong 2013 sa 50,000 nitong 2017.

Ang AEP ay isang mandatory documentary requirement ng DOLE para sa mga dayuhan na nais magtrabaho sa bansa ng higit anim na buwan.


Ang mga magtatrabaho naman ng hindi aabot sa anim na buwan ay maaring na lang kumuha ng Special Work Permit (SWP) mula sa Bureau of Immigration (BI).

Nangunguna ang mga Chinese sa may pinakamaraming dayuhang nagtatrabaho sa bansa, kasunod ang South Koreans at Japanese.

Facebook Comments