Nadagdagan pa ang naaresto sa lalawigan ng Batangas dahil sa hindi pagbibigay galang sa Pambansang Awit ng Pilipinas.
Pinakahuling naaresto kahapon sa paglabag sa RA8491 o ang Heraldic Code of the Philippines ang 3 indibidwal sa Barangay Taysan, San Jose Batangas.
Ang mga suspek ay kinilalang sina:
1. Jella Rose Espeleta 22-anyos residente ng Pinamucan Ibaba, Batangas City
2. Marissa Rendon 36-anyos, residente ng Lalayat San Jose, Batangas
3. Reymart Andal 25-anyos residente ng Galamay-Amo, San Jose, Batangas.
Ang unang dalawang suspek na sina Jella Rose at Marissa ay inaresto dahil sa paglalakad habang tumutugtog ang Pambansang Awit habang ang pangatlong suspek na si Reymart, ay hinuli naman dahil sa hindi ito tumayo.
Magugunitang noong unang bahagi ng Setyembre, 34 na manonood sa isang sinehan sa Barangay Malinis, Lemery, Batangas ang inaresto dahil sa hindi pagbibigay galang habang tinutugtog ang Pambansang Awit sa loob ng sinehan.