PINAG-IINGAT | SEC nagbabala laban sa isa na namang investment scheme

Manila, Philippines – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang publiko laban sa investment scheme na humihikayat sa publiko na mamuhunan gamit ang online o internet.

Nakatanggap ang Securities and Exchange Commission (SEC) ng impormasyon na may mga indibidwal o grupo ng mga tao na kumakatawan sa Dream Connect International Corporation na humihikayat sa publiko na mamuhunan sa nasabing entity, sa pamamagitan ng internet.

Batay sa impormasyon na nakalap ng komisyon, ang Dream Connect International Corporation ay nagso-solicit ng investment, kung saan ang investor ay inaalok ng membership package o account na nagkakahalaga ng P1,500.00 na itinuturing na paunang puhunan.


Natuklasan ng SEC na mayroon elemento ng recruitment ang operasyon, at ang kita ng kumpanya ay nakabase sa pagsisikap ng mga tao na mag-recruit o mag-imbita ng mga prospective na miyembro, sa halip na direct selling o direktang magbenta ng produkto ng kumpanya.

Ang Dream Connect International Corporation ay nakarehistro sa komisyon bilang isang korporasyon o partnership sa ilalim ng Corporation Code of the Philippines, pero hindi ito awtorisadong mag-alok, mag-solicit, magbenta o ipamahagi ang anumang investment/securities.

Kung mayroon kayong anumang impormasyon tungkol sa pagpapatakbo ng entidad, mangyaring tawagan ang Enforcement and Investor Protection Department ng SEC sa mga numero ng telepono 818-6047.

Facebook Comments