TUMAAS | Personal remittances ng mga OFW, tumaas

Malaki ang itinaas ng personal remittances ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) sa unang sampung buwan ng 2018.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), pumalo sa 26.5 billion dollars ang personal remittances.

At nito lamang Oktubre anila, umabot na ito sa 2.8 billion dollars.


Mas mataas na ito ng walong porsyento kumpara sa naitalang 2.6 billion dollars na naitala sa parehong panahon noong 2017.

Pumalo naman sa 23.8 billion dollars ang cash remittances sa unang sampung buwan ng 2018.

Mas mataas ito ng 3.1 percent kumpara sa 23.1 billion dollars noong 2017.

Nabatid na karamihan sa mga cash remittances ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Canada, Germany at Hong Kong.

Facebook Comments