TUMALON | Isang foreigner, nagpakamatay sa Taguig City

Taguig City – Patay ang isang Danish national matapos na tumalon mula sa isang condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktimang tinatayang nasa edad 40-taong gulang pataas.

Ayon kay Taguig City Chief of Police Senior Superintendent Alexander Santos, pasado alas-7:00 ng gabi nang tumalon mula sa ika-11 palapag ng Icon Plaza ang biktima.


Agad na nasawi ang dayuhan matapos magtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Nabatid na nasa isang buwan pa lang nananatili ang bansa ang biktima.

Facebook Comments