Nakiisa sa Bamboo Planting activity ng LGU Cauayan ang ilang miyembro ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged at Displaced Workers o TUPAD dito sa Lungsod ng Cauayan.
Ang mga nakiisang benepisyaryo ay mula sa mga barangay Gagabutan, Duminit, Baringin Norte at Guayabal.
Pinangunahan ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. ang pagtatanim ng kawayan kasama ang ilang konsehal ng Lungsod, mga barangay officials at volunteers.
Ang mga naturang benepisyaryo ng TUPAD ay sweswelduhan sa loob ng sampung araw kung saan nagkakahalaga ng P370 ang kanilang bayad sa kada araw.
Sa pamamagitan ng programa ay matutulungan ang mga Cauayeño sa kanilang pangangailangan at pang araw-araw na gastusin.
Samantala, ang isinagawang bamboo planting ay ilan lamang sa mga programa ni Mayor Jaycee Dy Jr kung saan inaasahan din sa mga susunod na araw ang iba pang programa at aktibidades na ilalarga ngayong Oktubre.
Facebook Comments