LGU REINA MERCEDES, BIBIGYAN NG FREE WIFI

32
Magbibigay ang Department of Information and Communications Technology (DICT) – Isabela ng libreng internet connectivity sa lokal na pamahalaan ng Reina Mercedes, Isabela.

Ayon kay DICT Isabela head Cirilo Gazzingan Jr ,ang nabanggit na programa ay bahagi ng ‘Free Wifi For All Project’.ng DICT.

Patuloy din aniyang magbibigay ang naturang tanggapan ng internet connectivity sa lahat ng mga tanggapan ng ahensya ng gobyerno kabilang ang Tech4Ed centers.

Bukod dito ay kinikilala din ng DICT ang kahalagahan ng information and communication technology sa kasalukuyan.

Samantala, kabilang naman sa mga tanggapan ng LGU Reina Mercedes na mabibigyan ng libreng internet connectivity ay ang Municipal Gymnasium, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng Municipal Plaza.

Facebook Comments