Sa pagsisimula ng Tupig Festival sa bayan ng Mangatarem patuloy itong Isinusulong upang maging one town, one product o OTOP.
Sa ekslusibong panayam ng IFM News Dagupan kay Ms. Rachelle Cabornay, Tourism Officer ng Mangatarem, idinulog na nila umano ang kanilang kahilingan sa tanggapan ng National Commission for Culture and the Arts o NCAA.
Aniya, isa ang kanilang bayan na nagpoprodyus ng maraming palay kaya’t dekalidad umano ang tupig sa Mangatarem.
Dagdag pa riyan ang iba’t ibang klase ng produkto.
Magtatagal hanggang February 2 ang pagdiriwang ng Ika pitong Tupig Festival sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments