Umarangkada sa bayan ng Mangaldan ang special Voter Education at Automated Counting Machine (ACM) Demonstration ng Commissions on Elections(COMELEC) na bahagi ng preparasyon para sa nalalapit na Halalan 2025.
Ibinahagi partikular sa mga official election candidates ng bayan ang mga kaalaman na nauugnay sa eleksyon, maging ang wastong paggamit ng ACM na gagamitin sa halalan.
Ilan sa mga ipinaalala sa mga aspirants ang candidate briefing bago sisimulan ang campaign period at iba pang kinakailangang masunod ng mga ito gayong epektibo na sa kanila lahat ang umiiral na election laws, rules and regulation.
Hinimok ng hanay ng kapulisan ang mga aspirante na maging katuwang sa pagpapanatili ng kaayusan sa bayan kahit pa tukoy ito bilang isa sa areas of concern sa Pangasinan.
Samantala, nakatakdang isagawa ang ACM Demonstration sa mga bara-barangay sa Pangasinan upang maituro sa mga botante ang wastong paggamit nito sa darating na halalan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments