Nagpapatuloy ang muling pagsigla ng turismo dito sa Pangasinan kasabay ng dagsa ng ilang turista dito habang nakasailalim sa Alert Level 1 ang lalawigan.
Ayon kay Provincial Tourism and Cultural Affairs Officer Malou Elduayan, sa pagpapatupad ng maluwag na travel protocols ay naging malaki na ang bilang ng mga turista na nagtutungo sa lalawigan kung saan unang pinupuntahan ang mga pamosong beach areas ng Western Pangasinan.
Iginiit ni Elduayan na pinaka importante parin para sa turista ang pagiging fully vaccinated ng mga ito dahil sa maging ang mga tourism workers ay fully vaccinated na rin upan masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
Pahirapan na umano sa ngayon ang makahanap ng mga accomodations sa mga beach areas dahil sa ngayon umano ay marami na ang nagpapa book sa mga ito.
Nakitaan umano ng pananabik ang publiko na makapamasyal ngayong panahon ng summer at ang holy week.
Inaasahan namang sa dagsa ng turista ay unti unti ng makakabangon ang sektor ng turismo na lubhang naapektuhan sa nakalipas na quarantine restrictions kung saan ay marami ang nawalan ng kita at marami rin ang nawalan ng trabaho.
Umaasa ang ahensya na makakamit ng Provincial Tourism Office na makakamit nila ang highest peak turn out ng mga bisita ngayong taon maging sa mga residente rin Pangasinan na bumibisita dito. | ifmnews
Facebook Comments