Top 1 Most Wanted Person sa Santiago City, Arestado

31
Cauayan City, Isabela- Natimbog na ng mga otoridad ang top 1 most wanted person-Station level sa Lungsod ng Santiago.

Kinilala ang akusado na si alyas Patrick, 32 taong gulang, may-asawa, welder at residente ng Doña Aurora Purok 2, Victory Norte, Santiago City.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Nicasio Brillantes Bautista III, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City.

Siya ay nahaharap sa kasong RA 8353 o Anti-Rape Law at dalawang (2) bilang ng Acts of Lasciviousness.

Ang pagkakahuli ng akusado ay matapos di umanong makatanggap ang mga operatiba ng impormasyon na dadaan ito sa lungsod kaya agad na nagsagawa ng checkpoint ang mga otoridad sa Balintocatoc, Santiago City na nagresulta sa pagkakahuli ng akusado.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Presinto 3 ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments