Aurora – Pansamantalang naapektuhan ng mga pagguho ng lupa ang turismo sa lalawigan ng Aurora dahil sa patuloy na pag-ulan dala ng nagdaang bagyong Salome.
Sa ulat, alas otso nang umaga kahapon nabuksan ang daan sa mga bahagi ng Barangay Dinadiawan at Dianed sa bayan ng Dipaculao, Aurora kung saan matatagpuan ang natatanging white beaches ng lalawigan.
Noong nakaraang linggo nang gumuho ang lupa sa mga daan sa nabanggit na lugar ngunit dahil sa tindi ng mga landslides, kahapon ng umaga lamang nagsimulang makaraan ang mga sasakyan.
Sa ngayon, patuloy ang clearing operation para makadaan na ang mga malalaking sasakyan dahil mga sasakyang may bigat na hanggang tatlong tonelada lamang ang pinadadaan doon.
Facebook Comments