TURISMO SA MANAOAG, NANATILING MASIGLA; SEGURIDAD SA BAYAN, TINUTUTUKAN

Nananatiling masigla ang turismo sa bayan ng Manaoag na tinaguriang Blessing Capital ng Pilipinas.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Manaoag Mayor Jeremy Doc Ming Rosario, inilahad nito kung gaano karami ang bumibisita sa kanilang bayan na itinuturing din na gateway of Pangasinan.

Aniya, aabot sa walong milyon ang dumadayo taon-taon o katumbas ng 56,000-57,000 linggo-linggo.

Dahil dito, hiling niyang madagdagan pa ang bilang ng mga itatalagang personnel ng pulisya sa bayan.

Samantala, kamakailan ay pinasinayaan ang 42 CCTV cameras na nakakalat sa bayan upang masiguro pa ang seguridad ng mga residente maging ng mga bumibisita sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments