POTABLE WATER SA ISANG BARANGAY SA BALUNGAO, DUMAAN SA PAGSUSURI

Sumailalim sa water testing ang Mabini Potable Water sa Balungao bilang bahagi ng preparatory stage bago ito buksan sa unang kwarter ng 2025.
Nasaksihan ng mga residente ang water testing kasabay ng pagpupulong ukol sa naturang proyekto na iminumungkahi sa Philippine Rural Development Project Scale-Up.
Ang naturang proyekto ay inaasahang magbibigay ng malinis na inuming tubig sa mga karatig barangay ng Mabini.

Inaasahan ng mga residente ang de-kalidad na inuming tubig mula sa potable water at hindi na lubhang apektado tuwing nakararanas ng low pressure to no water ang ilang bahagi ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments