Manila, Philippines – Patuloy na yumayabong ang bilang ng mga turistang
nagmumula sa China na dumadayo sa Pilipinas.
Base sa pinakahuling datos ng Department of Tourism (DOT), ngayong buwan ng
Pebrero lamang, nakapag-tala ng higit anim-na-raang libong tourist arrivals
ang Pilipinas. 21.6% dito katumbas ng higit 145 thousand ay nagmula sa
China.
Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, magandang balita ito para sa tourism
sector ng Pilipinas. Patunay lamang ito na ang Pilipinas ay isa sa mga top
destinations para sa mga Chinese.
Para naman sa unang dalawang buwan ng 2018, pumalo na rin sa higit isang
milyon ang mga foreign visitor ang nagtungo dito sa Pilipinas, mas mataas
ng 16.15% kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Facebook Comments