Turn-over at Blessing Ceremony para sa anim na bagong Black Hawk Chopper ng PAF na galing Poland gagawin sa Huwebes

Isasagawa na sa Huwebes, December 10 ang Acceptance, Turn-Over at Blessing Ceremony ng anim na mga bagong biling Black Hawk Chopper ng Philippine Air Force (PAF).

Sa anunsyo ng Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office (AFP-PAO), alas-2:00 ng hapon gagawin ang seremonya sa Haribon Hangar, Clark Air Base, Pampanga.

Si Defense Secretary Delfin Lorenzana naman ang guest of honor ng seremonya.


Ang anim na Black Hawk Chopper ay kabilang sa 16 na choppers na manufactured ng Polish Company Polskie Zaklady Lotnicze na may contract price na 11.6 billion pesos.

Una nang sinabi ni Secretary Lorenzana na ang proyektong ito ay government to government transaction sa bansang Poland.

Ang pagbili naman ng mga chopper ay bahagi ng AFP modernization program.

Ang sampu sa 16 na chopper na binili ay nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na taon.

Facebook Comments