Lagpas dalawang Milyong Voter Applications ang inihain sa Commission on Elections (COMELEC).
Ito’y kasabay ng isinasagawang voters registration.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, lumabas sa datos ng Election and Barangay Affairs Department (EBAD) na nasa 2,013,105 applications ang natanggap ng Poll Body mula August 1, 2019 hanggang September 7, 2017.
Ang nasabing bilang ay binubuo ng 1.5 Million regular registrants o 18-anyos pataas, at higit 475,489 Eligible Voters para sa Sangguniang Kabataan (SK) Election o nasa edad 15 hanggang 17.
Ang Calabarzon ang may pinakamataas na Voter Registration turnout na may higit 260,000 applications.
Ang Bicol Region naman ang may pinakamaraming bilang ng first-time registrants para sa SK Elections.
Napansin din ng COMELEC na mas maraming babaeng registrants Kaysa sa mga lalaki.
Ang Voters Registration ay magtatagal hanggang September 30.