Manila, Philippines – Matapos umalma ang mga senador sa pagbabawal sa driver-only vehicles na dumaan sa kahabaan ng EDSA tuwing rush hour.
Tinitignan na ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang gagawing remedyo ditto.
Ayon kay Jojo Garcia, General Manager ng MMDA bagaman at hindi pa nila natatanggap ang resolusyon ng Senado ay bukas sila sa posibilidad na ipahinto ang expanded HOV sa oras na irekumenda ito ng kanilang legal team.
Aniya kinakailangan pa itong dumaan sa Metro Manila Council o mga alkalde sa Metro Manila dahil sila ang nagrekumenda sa MMDA na ipatupad ang expanded HOV sa EDSA.
Paliwanag pa nito hindi nila ipipilit ang bagong traffic scheme kung hindi ito magiging epektibo.
Nakadepende rin aniya sa magiging resulta ng isang linggong dry run kung tuluyan nila itong ipapatupad.
Nabatid na sa Senate Resolution 845 na inihain ng ilang senador na walang ginawang konsultasyon at pagdinig ang MMDA hinggil sa nasabing traffic scheme sa EDSA.