Manila, Philippines – Para kay Senator Panfilo Ping Lacson, kalabisan at hindi patas para kay Budget Secretary Benjamin Diokno ang mga panawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ito sa pwesto.
Ito ay makaraang ibunyag ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. na biyenan ng anak ni Secretary Diokno si Casiguran, Sorsogon Vice Governor Ester Hamor.
Isiniwalat ni Andaya na ang Sorsogon ay nakakuha ng 10-bilyong pisong halaga ng proyekto na nakapaloob sa 2019 proposed national budget.
Pero giit ni Lacson, espekulasyon lamang ang alegasyon kay Diokno at hindi suportado ng matitibay na ebidensya.
Dagdag pa ni Lacson, pwede namang magsagawa ng pagdinig hinggil dito ang Senado at Kamara.
Ipinaliwanag ni Lacson na sa pamamagitan ng public hearing ay hindi lang mga anumalya at insertions sa pambansang budget ang posibleng lumutang.
Instrumento din aniya ang hearing para sa mas magaling na preparasyon ng national expenditure program.