Manila, Philippines – Tinutulan ni PNP Chief Oscar Albayalde na itaas pa sa 20% ang dami ng mga babaeng pulis sa kanilang hanay.
Ayon kay Albayalde – mayroong mga restrictions pagdating sa mga babae lalo na kapag nag-asawa na ito at nagkaroon na ng anak.
Dagdag pa ni Albayalde – nakasaad sa batas o Republic Act 9551, hanggang 10% lang dapat ang mga babaeng miyembro ng PNP.
Pero giit ng Commission on Human Rights (CHR), sa ilalim ng magna carta for women ay daragdagan sa loob ng limang taon ang recruitment at training ng mga babaeng pulis na magseserbisyo sa mga babaeng biktima ng gender-related offenses.
Facebook Comments