TUTUGISIN | Hot pursuit operation, patuloy na isinasagawa ng militar sa mga miyembro ng NPA na naka-engkwentro sa Masbate

Masbate – Patuloy ang hot pursuit operation ng militar sa mga pinaniniwalang miyembro ng NPA na naka-engkwentro ng Alpha Company Sa 2nd Infantry Battalion sa Barangay Talisay, San Fernando ng Ticao Island sa Masbate. Ayon kay Col. Ferozaldo Regencia, spokesperson ng 9th Infantry Division, nagsasagawa ng community support program sa lugar ang tropa nang mangyari ang engkwentro. Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang limang m16 rifle, limang improvised explosive devices, limang rg, isang m653 carbine, apat na rounds ng bala para sa m203, mga personal na gamit at mga backpack na naglalaman ng mahahalagang dokumento. Ilang minuto rin ang itinagal ng palitan ng putok hanggang sa umatras patungo ang tinatayang 10 hanggang 15 armadong kalalakihan. Walang nasugatan sa panig ng pamahalaan habang pinaniniwalaan na marami ang nasugatan sa hanay ng NPA dahil nabigla ang mga ito. <www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments