Manila, Philippines – Handa ang Department of Justice (DOJ) na tumulong sa pagpapaliwanag sa Kongreso sa ligalidad ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Sa harap ito ng rekomendasyon na palawigin ang pagpapairal ng batas militar sa nasabing rehiyon.
Gayunman, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang AFP pa rin ang magsasagawa ng assessment sakaling kailangan talagang i-extend ang martial law sa Mindanao.
Partikular aniya sa maaring maging basehan ng AFP ang aktwal na rebelyon o pananakop sa alin mang bahagi ng Mindanao.
Facebook Comments