TUTUTOK | Task force na tututok sa kampanya ng gobyerno sa Federalism, binuo ng palasyo

Manila, Philippines – Bumuo ang Malacañang ng Inter-Agency Task Force na tututok sa kampanya ng gobyerno hinggil sa Federalism.

Sa ilalim ng memorandum circular no. 52, inaatasan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na magtulungan sa pagpapakalat ng impormasyon, pagsasagawa ng konsultasyon sa iba’t ibang sektor at ang mga kinakailangang pakikipag-ugnayan sa kongreso.

Magsisilbing chairperson ng task force si DILG OIC Sec. Eduardo Año habang Vice Chairperson Naman si DOJ Sec. Menardo guevarra.


Miyembro nito ang Office of the Cabinet Secretary, Presidential Management Staff, Office Of The Presidential Spokesperson, Presidential Legislative Liason Office, PCOO, CHED, Development Academy of the Philippines at Office of the Political Affairs.

Obligado ang task force na magsumite ng quarterly report kay Pangulong Duterte.

Ang memorandum order ay nilagdaan ni Executive Sec. Salvador Medialdea at may petsang October 30.

Facebook Comments