TUTUTUKAN | Mga recruitment agency na magpapadala ng Ofw sa Kuwait, mahigpit na babantayan ng DOLE

Manila, Philippines – Mahigpit na isasailalim sa pagsusuri ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga recruitment agencies kasabay ng muling pagbubukas ng deployment ng mga OFW sa Kuwait.

Ayon kay Labor Usec. Jacinto Paras, makikipagpulong sila sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para balangkasin ang bagong guidelines sa pagpapadala ng OFW sa Gulf State.

Kabilang sa isasama sa guidelines ay ang pag-review ng lisensya ng mga recruitment agency.


Sabi pa ni Paras, nire-require din ang mga agency na magbigay ng training lalo na sa mga Household Service Workers (HSW) bago ang kanilang deployment.

Nakapaloob din sa guidelines ang pagbibigay sa mga manggagawa ng pitong hanggang walong oras na tulog at isang araw na day-off.

Papayagan din ang mga manggagawa na magluto at bumili ng sarili nilang pagkain maging ang paggamit ng cellphone.

Sa datos ng DOLE, nasa 5,000 OFW ang handa na para sa deployment patungong Kuwait habang nasa 15,000 pa ang pinoproseso.

Facebook Comments