TUTUTUKAN | Problema sa voter’s list, sunod na tututukan ng COMELEC

Manila, Philippines – Sa ginanap na Brgy. at SK election kahapon, karaniwang problema pa rin na sumalubong sa mga botante ay ang pahirapan sa paghahanap ng pangalan o nawawalang pangalan sa voter’s list ng Commission on Election.

Gayunpaman, ayon kay COMELEC OIC Chair Al ParreƱo, kung ikukumpara noong 2016 election, mas konti na raw ang reklamo na kanilang natanggap kahapon.

Dahil dito, ayon kay ParreƱo, ang voter’s list naman ang kanilang tututukan para sa mga susunod na eleksyon, kung saan gagawing nilang basehan ang mga reklamong natanggap kahapon.


Facebook Comments