ARESTADO | Suspek sa pagpatay kay dating La Union Congressman Eufronio Eriguel, naaresto na

La Union – Nadakip na ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay kay dating La Union Congressman Eufronio Eriguel.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Aniya ang suspek kinilalang si Felizardo Villanueva alyas Rambo na tumakbong Barangay chairman sa Capaz, Agoo La Union.


Sinabi pa ni Albayalde na kumpirmadong election related violence ang pamamaslang kay Eriguel

Hinala ng opisyal nagalit ang suspek dahil hindi sya ang inendorso ng dating kongresista noong panahon ng kampanya.

Matatandaang pinatay si dating Congressman Eriguel noong Sabado habang nagtatalumpati sa miting de avance sa Agoo La Union

Facebook Comments