Masiyado yatang na-excite ang isang social media handler ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na fan ng Korean boy band.
Nagamit kasi ang official Twitter account ng ahensya sa pag-reretweet ng mga post tungkol sa dalawang miyembro ng grupong BTOB nitong Martes, Hulyo 16.
Binura na ang dalawang tweet sa parehong araw na ipinost ito pero mabilis ang mga netizen sa pag-screen grab nito.
Ipinost ng parody Facebook page na Malacañang Events and Catering Services ang screenshot kung saan makikita ang quoted video ng rapper na si Ilhoon.
Ani ng ‘Melody’ admin sa unang tweet: “The 2 #BTOB maknaes love to make fun of their Changsub hyung. I’m sure they missed him a lot #BTOB @OFFICIALBTOB @BTOB_Official.”
Sinundan naman ito ng photos ng vocalist na si Sungjae na may caption ni admin na “for the love of #YookSungJae #BTOB.”
Wala pa namang pahayag dito ang DSWD.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkamali o nakalimutang magpalit ng account ang social media handler ng ahensiya ng gobyerno.
Noong 2017, kumalat din ang misteryosong “fafda” tweet ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).