TY FLORENCE | 5 sawi sa pananalasa ng bagyong Florence sa North Carolina

24

Umakyat na sa lima ang naitalang patay kabilang ang isang sanggol dahil sa pananalasa ng bagyong Florence sa North Carolina.

Ito ay makaraang tumama sa kalupaan ang bagyong Florence, Biyernes ng hapon.

Huling namataan ang bagyo, 50 miles west-southwest ng Wilmington.

Base sa ulat ng city department, nasawi ang isang sanggol at ina nito makaraang mabagsakan ng puno ang kanilang bahay sa Wilmington. Habang naisugod naman sa ospital ang kanilang padre de pamilya na nagtamo ng mga sugat.

Sa kasalukuyan nasa 600,000 mga bahay at establisyimento ang walang kuryente ngayon sa North Carolina. Nasa 2,100 flights naman ang nakansela.

Habang nasa higit 26,000 indibidwal ang pwersahang pinalikas patungo sa mga emergency shelters.

Facebook Comments