UAAP | Tamaraws bumawi sa Fighting Maroons; Green Archers tinambakan ang Red Warriors

Umiskor ng 15 puntos si Prince Orizu habang apat pang kakampi nito ang nagtala ng double figure para talunin ng Far Eastern University (FEU) ang University of the Philippines (UP), 89-73 sa pagpapatuloy ng men’s basketball tournament ng Season 81 ng UAAP.

Bukod kay Orizu, may 13 puntos sina Arvin Tolentino at Wendell Comboy habang may tig-11 naman sina Jasper Parker at Anton Inigo para sa Tamaraws.

Dahil sa panalo, nakabangon ang FEU sa masaklap na 76-74 na pagkatalo nito sa UST noong nakaraang Linggo.


Samantala, wagi rin ang De La Salle University laban naman sa University of the East, 82-72.

Dahil tabla ngayon sa pangalawang puwesto ang Tamaraws, Green Archers at ang defending champion Ateneo Blue Eagles sa team standing sa kartadang 2-1.

Nangunguna pa rin ang walang talong Adamson Soaring Falcons sa kanilang 3-0 card.

Facebook Comments