Manila, Philippines – Submitted for resolution o pagdedesiyunan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang kahilingan ng Uber system na maconvert na lamang sa multang 10 million pesos ang ipinataw na isang buwang suspensyon dito.
Ito ay matapos na magkaharap kanina sa pagdinig ang Uber at ang mga nagharap ng motion for intervention.
Nilinaw ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon na hindi nila hinaharang ang mosyon ng Uber.
Gayunman, kinakailangan na pantay o ganito rin dapat ang pagtrato o polisiya na ipairal sa iba pang transport business, mistulang policy shift na kasi ang hinihinging conversion ng parusa.
Ayon naman kay Atty. Jomar Castillo, ang kumatawan sa Uber, walang batayang legal ang motion for intervention.
Hindi dapat ituring na kapareho ng bus, jeepney, at taxi ang TNVS dahil wala ito specific route at karapatan nila na maghanap ng legal na remedyo.
Tumupad na rin ang Uber na pagkalooban ng financial assistance ang mga TNVS na nakatengga.
Ayon kay Board Member Aileen Lizada, dahil ang commuting public ang nakasalalay dito, magpapasiya sila sa MR sa lalong madaling panahon.
Aniya, layunin ng LTFRB na magkaroon ng nagkakaisang transport sector.
Ang aayusin nila ay ang mga polisiya upang ang tulad ng TNVS ay makapag-ambag sa pagpapalakas ng transport sector.