Ugnayan ng Amerika at WHO, tuluyan nang pinutol ni US President Donald Trump

Tuluyan nang pinutol ng Estados Unidos ang kanilang ugnayan sa World Health Organization (WHO).

Ito ay sa gitna na rin ng pakikipaglaban ng ahensya sa COVID-19 na kumalat na sa buong mundo.

Ayon kay US President Donald Trump, hindi siya kuntento sa pagkilos at hakbang ng WHO para labanan ang pagkalat ng Coronavirus sa buong mundo.


Iginiit ng Pangulo ng Amerika na kulang sa transparency ang WHO sa usapin ng COVID-19 lalo na nang kumalat ito sa China, kaya napagpasyahan nitong putulin na ang pagpopondo sa nasabing organisasyon.

Facebook Comments