Ugnayan ng kamara sa ASEAN legislatures, palalakasin

Manila, Philippines – Tatayong host bukas ang Kamara sa 38th Annual Meeting ng ASEAN Parliamentary Assembly o AIPA na gagawin sa Makati Shangri-La Hotel sa Makati City.

Ito ay kaugnay ng ginaganap na Association of Southeast Asian Nations Summit sa Pilipinas.

Ang aktibidad na may temang “ASEAN and AIPA: Partnering for Inclusive Change” ay pangungunahan ni Speaker Pantaleon Alvarez kasama ang mga kapwa mambabatas mula sa iba’t ibang AIPA member-parliaments, heads of delegations at si AIPA Secretary General Isra Sunthornvut.


Inaasahang tatalakayin dito ni Alvarez ang mga layunin ng AIPA na isulong ang unawaan, kooperasyon at matatag na relasyon ng member-parliaments at magtatag ng iisa at rules-based ASEAN community na mapayapa, ligtas at matatag.

Kaugnay nito’y pamumunuan ang Philippine delegation ni Deputy Speaker at South Cotabato Cong. Ferdinand Henandez kasama sina Deputy Speaker Sharon Garin, Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas, Deputy Majority Leader Juan Pablo Bondoc, Minority Leader Danilo Suarez at ilan pang kongresista.

Facebook Comments