Ugnayan ng LTO at PNP kontra sa talamak na nakawan ng motorsiklo, suportado ng pamunuan ng DILG

Tiwala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na mapipigilan ang tumataas na kaso ng nakawan mg mga motorsiklo sa bansa.

Ang naturang pahayag ay makaraang lumagda sa isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at Land Transportation Office (LTO) tungkol sa interconnectivity ng kani-kanilang mga Information and Communications Technology (ICT) System.

Ayon kay Secretary Abalos, pakikipag-ugnayan ng LTO at PNP ay kailangan na talaga, lalo na ngayong umaabot na sa 30,000 kada taon ang mga kaso ng pagnanakaw ng mga motorsiklo sa buong bansa.


Kumpiyansa ang kalihim na mas mapapabilis nang malalaman ng mga kinaukulan kung nakaw o hindi ang isang motorsiklo, kaya naman mas mabilis na rin silang makakagawa ng nararapat na hakbang

Paliwamag ni Secretary Abalos sa kanilang pagsanib pwersa ay pwedeng maberepika at ma-access ng PNP-Highway Patrol Group o HPG sa ICT system ng LTO ang record ng mga motorsiklo na kasalukuyang iniimbestigahan o inilagay sa alarma.

Giit pa ni Abalos, magtatalaga ng pulis mula sa PNP-HPG sa LTO Command Center upang mas mapabilis ang pag-berepika sa mga kinakailangang impormasyon.

Facebook Comments