Cauayan City, Isabela-Hiniling ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) sa Inter-Agency Task Force (IATF) na kung maaaring makapagsimula na sa pagbabakuna sa A4 priority ang ibang lugar sa bansa.
Ayon kay ULAP President at LPP Chairman Gov. Dakila Carlo Cua ng Quirino Province, natapos ng maiturok ang nasa 17,000 doses ng vaccine sa kanilang probinsya habang inaasahan ang pagdating ng 5,000 doses ng Sputnik V na inilaan ng national government.
Para kay Cua, hindi kailangan mangamba sa bakuna ng Gamaleya Research Institute dahil sa traditional technology ang kanilang paraan ng pagproseso ng mga bakuna at ligtas itong gamitin.
Ipinunto rin ng opisyal na mataas ang efficacy rate ng naturang bakuna kaya maituturing na epektibo ito sa katawan ng tao.
Umaasa naman ang opisyal na makakamit ng pamahalaan ang