ULAP, Suportado ang pagpapabilis ng suplay ng Internet connection sa Quirino Province

Cauayan City, Isabela- Suportado ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang mapabilis ang pagpapatayo ng mga cell tower sa Lalawigan ng Qurino na layong mapakinabangan ng mga mamamayan nito ngayong new normal.

Ayon kay Governor Dakila Carlo Cua, malaking gastos aniya ang ilalaan ng Department of Education (DepED) para sa mga module kung maaari aniya na gawin nalang para sa pagkakaroon ng internet connection at pagtulong na mabigyan ng mga gadgets ang mga mag-aaral.

Pinatutsadahan naman ng gobernador ang ilang usapin sa umano’y sinasabing dahilan ng hindi pagtatayo ng mga cell tower ay hinaharang ng mga Local Government Unit (LGU).


Ipinaliwanag pa ng opisyal ang ilang halimbawa na posibleng natatagalan ang pagtatayo ng mga cell tower ay maaaring hindi rin kagustuhan ng ilang residente kung maitatayo man ito malapit sa kabahayan o ilang metro lang ang layo.

Tiniyak naman ni Cua ang maayos na koordinasyon sa mga telco company para madagdagan ang suplay ng internet connection sa probinsya.

Facebook Comments