Ulat na inilibing sa Taal Lake ang mga nawawalang sabungero, kukumpirmahin pa —DOJ

Hahanapin ng mga awtoridad ang mga labi ng mga nawawalang sabungero.

Ito ang tiniyak ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng pagputok ng ulat na inilibing umano sa Taal Lake sa Batangas ang mga sabungero na noong 2022 pa nawawala.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, gusto nilang masiguro ang sinabi ng whistleblower kaya kakailanganin ng diver para mahanap ang mga labi sa lawa.

Ayon pa sa kalihim, gagawin nila ang lahat para mahanap ang mga ito bilang tungkulin ng gobyerno.

Sa ngayon, nangangalap pa aniya ang DOJ ng mga detalye sa kaso.

Facebook Comments