DOH, wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 nimbus variant sa bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang naitatalang kaso ng NB.1.8.1 o “nimbus variant” ng COVID-19 sa bansa.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na kahit hindi pa ito nakakapasok sa bansa ay mahigpit na babantayan ng DOH ang nasabing variant.

Ayon kay Herbosa, may mga ulat kasi ng pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga karatig-bansa sa Southeast Asia, na dulot umano ng nasabing variant, at ang pagdami ng mga influenza-like illnesses sa bansa ngayong tag-ulan.

Hihigpitan din ng ahensya ang surveillance sa pamamagitan ng genome sequencing sa mga sample, para malaman kung mayroon nang presensya ng nasabing variant sa Pilipinas.

Bukod dito, tiniyak naman ng kalihim na nananatiling epektibo laban sa bagong variant ang mga dati nang bakuna kontra COVID-19.

Facebook Comments