
Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga dayalogo o diskusyon tungkol sa muling pagsali ng Pilipinas sa Rome Statute, na bumuo sa International Criminal Court (ICC).
Ito ang pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng panawagan ng United Nations (UN) Rapporteur sa Pilipinas na ratipikahan ang International Human Rights Treaties maging ang pagiging bahagi nito noon sa Rome Statute.
Ayon kay Castro, welcome sa kanila na napapansin sa international level ang ginagawa ng administrasyon para sa protektahan ang karapatang pantao at freedom of expression sa bansa.
Gayunpaman, bagama’t maganda aniya ang suhestiyon ng UN Rapporteur, kailangan pa ring mapag-aralan ito ni Pangulong Marcos Jr.
Pero sa kasalukuyan sabi ni Castro, ay hindi pa napagu-usapan ang bagay na ito.