Ulat na lockdown sa Provincial Capitol ng Lanao del Sur, itinanggi ng PNP

Pinabulaanan ng Philippine National Police (PNP) na isinailalim sa lockdown ang Provincial Capitol ng Lanao del Sur.

Ito ay dahil umano sa nangyaring barilan sa lugar dahilan upang tumaas ang tensyon dahil sa eleksyon.

Paglilinaw ni PNP Spokesperson, P/Col. Jean Fajardo, pansamantala lamang isinara ang kapitolyo para ihanda sa gagawing bilangan ng boto.


Kinailangan din aniyang i-secure ng mga awtoridad ang paligid ng Kapitolyo dahil sa pagiging agresibo ng mga taga-suporta ng ilang kandidato.

Batay aniya sa ulat ng Provincial Director ng Lanao del Sur PNP na si P/Col. Christopher Panapan, walang nangyaring putukan sa lugar at maayos namang naisagawa ang canvassing sa lugar.

Facebook Comments