Pagtanggap sa unang COC na dumating sa Senado, pinangunahan ni Senate President Tito Sotto III

Bago mas alas-7 ngayong gabi ay dumating sa Senado ang unang Certificate of Canvass (COC) at ito ay mula sa Malabon.

Pinangunahan ni Senate President Tito Sotto III ang pagtanggap sa nabanggit na COC na mula kay Atty. Datumama Makaindig na siyang election officer ng Malabon City.

Ang COC, kasama ang isang back up CD, at statement of votes ay laman ng isang ballot box na naka kandado.


Bilang pagsunod sa health protocols ay naka-antigen test ang maghahatid dito sa Senado ng mga COCs at election returns at ang ballot box ay sanitized din.

Base sa konstitusyon, ang Senado ang mag-iingat sa ERs at COCs ng boto para sa pangulo at ikalawang pangulo hanggang sa mag-convene ang National Board of Canvassers o NBOC na magbibilang nito.

Facebook Comments