UMAASA | VP Robredo – tiwalang maraming kaso pa ni first lady Imelda Marcos ang madedesisyunan ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Umaasa si Vice President Leni Robredo na pagtitibayin ng Korte Suprema ang naging hatol ng sandiganbayan sa pitong bilang ng kasong graft laban kay dating first lady Imelda Marcos.

Ayon sa Bise Presidente, patunay lang ito na marami talagang nangyaring krimen noong panahon ng rehimeng Marcos.

Inabot man ng ilang dekada, malaking bagay na aniya ang naging hatol ng sandiganbayan para bigyang hustisya ang mga naging biktima ng Martial Law.


Naniniwala rin si Robredo na umpisa pa lang ito at mas maraming kaso pa ng mga marcos ang madedesisyunan na rin ng Sandiganbayan.

Bagama’t aabutin pa ulit ng mahabang proseso ang pagdinig sa apela ni Marcos, iginiit ni Robredo na hindi dapat idahilan ang edad o katandaan para hindi makulong ang first lady.

Facebook Comments