UMAASA | Zamboanga City Mayor Beng Climaco, umaasang mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng 2013 Zamboanga Siege

Umaasa si Zamboanga City Mayor Beng Climaco na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng 2013 Zamboanga siege.

Ito ay kasunod ng kautusan ng Pasig City Regional Trial Court Branch 158 na palayain ang nasa 96 na miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na nakakulong sa Taguig.

Ayon kay Climaco, ipinag-utos na niya ang masusing review sa security measures at inatasan ang city police at military na makipag-coordinate sa kanyang opisina.


Iginiit ng Alkalde na may pananagutan ang nasa 100 MNLF members sa kanilang nagawang krimen.

Sa kabila nito, mananatiling nakatayo at matatag ang lungsod.

Facebook Comments