UMAKSYON | LTFRB, nakipag-ugnayan na sa mga biktima ng aksidente sa Occidental Mindoro

Occidental Mindoro – Kumikilos na agad ang pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para tulungan ang mga biktima ng malagim na aksidente sa Magsaysay Occidental Mindoro na ikinasawi ng 2 Director ng University of Rizal System.

Ayon kay LTFRB Spokesperson at Board Member Aileen Lizada, nakipag-ugnayan sila sa PAMI o Passenger Accident Management Insurance para agad mapuntahan ang mga ospital kung saan naroroon ang mga biktima at makipag-ugnayan sa mga kinatawan ng paaralan.

Paliwanag ni Lizada, sa ginawang pagsusuri ng LTFRB lumabas na lehitimo ang bus ng charms travel and tours na nasangkot sa aksidente kung saan 15 pa sa mga nasaktan ay nasa pagamutan pa rin hanggang sa kasalukuyan.


Giit ni Lizada, wala pa namang desisyon ang LTFRB kung sususpindihin ang prangkisa ng charms travel and tours at pag-uusapan pa ito ng board ng ahensiya kung ano ang kanilang gagawing hakbang para dito.

Facebook Comments