Manila, Philippines – Naniniwala si Senator Antonio Trillanes na napa-praning na ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay matapos sabihin ng Pangulo na may nilulutong plano para patalsikin siya sa pwesto sa susunod na buwan.
Tugon naman ni Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison, na hindi lang si Trillanes, Liberal Party at komunistang grupo ang nais mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, kasama ang masa na pinahihirapan ang administrasyon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Paglilinaw naman ni Vice President Leni Robredo na wala silang ugnayan sa CPP at kahit kailan ay hindi nila nakausap ang mga ito.
Dagdag pa ng pangalawang pangulo, magkaiba rin sila ng partido ni Trillanes na Nacionalista Party na kasalungat ng LP.