Manila, Philippines – Iniharap ngayon ng Presidential Task Force on Media Security at Police Regional Office (PRO-7) Regional Director Brigadier General Valeriano de Leon ang itinuturong gunman sa pamamaslang kay Dumaguete radio broadcaster Dindo Generoso.
Sa press briefing sa Malacañan, ipinrisenta sa media si Police Corporal Roger Rubio.
Ayon kay PTFoMS Executive Director Executive Director Undersecretary Joel Egco, bukod kay PCpl Rubio, sinampahan na rin ng kasong pamamaslang ang iba pang suspek na sina Teddy Salao, Tomacino Aledro at retired police at alleged gambling Lord Glenn Orsame.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng mga awtoridad sina Rubio, Orsame at Salao habang nanatiling at large si Aledro.
Patuloy ang ginagawang pagtugis at imbestigasyon ng mga awtoridad.
Mababatid na si Generoso na brodkaster o blocktimer ng DYEM 96.7 FM station ay tinambangan ng riding in tandem sa Barangay Piapi, Dumaguete City, Negros Oriental Oriental, Nobyembre a -siyete.
Walong tama ng bala ng baril ang tinamo nito dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.