
Paiimbestigahan ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang napaulat na pagbabanta ng International Criminal Court (ICC) sa ilang mga retiradong pulis.
Kasunod ito ng pagsiwalat ni Dela Rosa na mayroong ongoing mission ang ICC sa isang hotel sa Pasay City kung saan pwersahang pinalagda sa isang affidavit ang mga retired officer ng Philippine National Police o PNP para madiin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaso.
Ayon kay Dela Rosa, magkakasa siya ng imbestigasyon tungkol sa impormasyong ito at tiniyak na mananagot angbmga Pilipinong tinatawag niyang nagtaksil sa ating soberenya.
Itatakda ng senador sa pagbubukas ng sesyon sa 20th Congress sa Hulyo ang pagsisiyasat sa isyung ito.
Para kay Dela Rosa, ang mga hakbang na ito ay taliwas sa mga pahayag ng administrasyong Marcos na hindi nila kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC.









